I know this is a bit late but now ko lang naalala isulat pagkapasa ko... hehe... wala lang, gusto ko lang maisulat ang aking "journey" as a CPA...
THE REVIEW:
Ok, umpisahan natin sa review.... Una sa lahat, halos buong batch namin lahat sila dun sa isang review center nag-enrol... kasi nga zero based daw dun... kami ng kasama ko dun kami sa isang review center na pangmagagaling daw, hindi dahil magaling talaga kami pero dahil gusto lang namin maiba sa mga kabatch namin na andun sa isang review center... hehe
During review days namin, medyo ok naman... kaya lang hindi ko ba alam sa sarili ko dahil during those first two months dun pa ako super tamad mag-aral... hindi ako nag-aadvance reading... lagi lang ako tulog... hayyyy.....nagsine pa nga ako that time eh.... hindi ko din alam anong nangyari sa akin dun sa unang 2 buwan...
Dumating ang first preboard, Hala! ano pa nga ba? Syempre nahirapan ako dahil wala man lang effort sa part ko. Feeling ko talaga nun bagsak ako sa preboard. But nung lumabas result, pasado naman. Nakahinga ako ng maluwag dahil at least pumasa pa din. Pero panandalian lang kasiyahan ko kasi dun ko narealized na dapat mag-effort na ako, kung hindi baka bumagsak ako sa board exam... Ayaw ko naman mangyari yun, kaya simula noon, araw-araw na ako nagbabasa... Gising sa umaga, pasok review, lunch then review na hanggang 11 ng gabi. Hanggang 11 lang ng gabi kasi hindi ko talaga kaya kung hindi kumpleto yung at least 6 hours man lang na tulog. Basta naging ganun lang routine ng buhay ko hanggang magfinal preboards.
Final Preboards na! This time mas maganda na resulta. Nakapasok pa ako sa top sa preboards. Pero ang lowest ko lagi ay Prac 1. At kung di pa nag-adjust eh bagsak talaga ako... Mahina talaga ako P1 kasi,----- uhmmmmm,.... ewan ko nga ba? Lagi naman akong nag-aaral nun. Kapag nagsosolve pa nga ako mga review materials nasasagot ko naman. Pero pag preboard na, parang namemental block yata ako. Kaya yun, kinabahan na naman ako. Inisip ko that time baka sa P1 pa ako madali sa actual board exam. So, yung halos 1 month na natitirang review, tinodo ko talaga sa P1.
ACTUAL BOARD EXAM
First Day:
Dyaraan!!!!!! First day ng board exam. Excited ako na kinakabahan. Ang aga pa lang nasa school na ako na nakaassign sa akin. Pagkatapos ko ng exam that day para akong pinagsakluban ng langit. Kasi una kong naisip, bakit ganun?????? Feeling ko hindi ako papasa. Kasi yung MAS 70 items. Nagcocompute pa ako during nag-eexam na dapat maka 53 para maka75 at 46 para maka65. Eh yung mga binigay sa exam halos hindi ko masagutan yung iba.... Tapos yung BLT, madami nadalian pero ako hindi naman. Naoveranalyze ko yata! Huhuhu... Gusto ko na talaga maiyak noon. Pero sabi ko may 5 subject pa! Hindi pa tapos.
Second Day:
Mas okay naman itong 2nd day kaysa yung first day. At least yung sa AT at TOA lam ko naman mga sagot. Pag hindi ko alam, syempre gamitin ang power of elimination! hehehe
Third Day:
Oopppppps.... Dalawang computation that day - P1 at AP. Yung P1, ito yung weakest ko pero sa actual eh medyo nadalian ako.... harhar... nagbunga siguro ang aking pagsisikap.... (^_^)... Yung AP ----- DISASTER! Gulat ako sa AP....... hindi ko inexpect na ganun!? Basta parang naging AT yung AP... yun lang masabi ko. Syempre ---- Down na naman ako! -_- P2 pa mandin bukas.... Iniisip ko kung kaya ko pa nun?
Last Day:
P2 naman na ngayon... Ewan ko ba pero during preboards dati lagi mataas P2 ko kahit mas napagtutuunan ko naman ng pansin ang P1.... Pero oks P2 nung actual... May nasasagot naman.... hehehe
October 17, 2011
The day of waiting for the result.... Maaga kami gumising ng kasama ko... Actually, parang hindi naman ako natulog talaga. Parang nakapikit lang ako at nakahiga nun tapos dumilat na... hehe... Ayan, maaga kami pumunta para magmass dun sa St. Jude.... Nung nagsisimba ako ang hiniling ko talaga syempre ay ang makapasa ako.... Iba talaga yung feeling nung araw na iyon. Parang may bara sa puso ko - di ko maexplain. Kasi iniisip ko, pag di ako pumasa nakakahiya naman sa parents ko. Ang dami nila gastos sa review ko. Hindi biro yun dahil hindi naman ako taga-Manila kaya marami talagang ginastos financially just for my review. Then inisip ko din sasabihin ng classmates ko, ng school, at ng mga kapitbahay... Hay andami kong iniisip talaga noon. Paranoid ako at nega that day eh...Tapos sabi nila, mafefeel mo daw kapag papasa ako. Eh ako nun walang mafeel!!!! Hehehe... Feeling ko nga noon baka bumagsak ako eh! :(
Kung saan-saan kami nakapunta kahihintay lang ng result. Una St. Jude tapos after eh nagbreakfast kami sa Jollibee sa Bustillos - tumambay kami doon hanggang 10 am... Tapos nag LRT kami at pumuntang St. Clare... Nagdasal ulit... Then balik Bustillos ulit nagMcdo naman kami for lunch... hehe... After that may nagtxt!!!! Tug tug tug tug.... ganun yung bilis heartbeat ko noon... sabi may result na daw sa review center... so kami naman is super takbo papunta review center.... Pag dating doon, wala pa naman!!! Grrrrrrr...... lalo lang tuloy akong kinabahan.... Para mawala kaba, naglakad lakad na lang muna kami hanggang mapunta kami sa St. Thomas Square.... Tambay lang kami doon... Nagpapalipas oras. Nood nung mga naglalaro dun at mga tumatambay din. Until may nagtxt na naman! This time hindi na namin pinapansin... hanggang tumatawag na yung nagttxt na yun. Sinagot nung kasama namin phone niya. Nakinig lang ako at nakatingin sa kasama namin... Yun nakita ko talaga ang pagbabago sa face ng friend namin, from kinakabahang face to super saya na face! Ibig sabihin pasado siya. After that, sabi nung kasama namin may result na daw. So, takbuhan ulit kami sa review center. Habang tumatakbo kami, may mga tumatakbo ding iba.... Parang may race tuloy... hihihi,...Andun na kami review center, dami ng tao....May mga nag-iiyakan tapos may mga tumatalon talon sa saya. Ako eh hinanap ko kaagad name ko..... Nakita ko kaagad name ko sa list dahil litaw na litaw name ko dahil ang haba eh.... Pagkakita ko name ko sa list of successful passers, nawala lahat yung kaba sa dibdib ko. Naiiyak ako talaga noon sa sobrang kasiyahan dahil CPA na din ako sa wakas.... Parang worth it talaga yung lahat ng panahon ng pag-aaral ko noong college at noong review dahil sa wakas CPA na ako! Yahooooo! Nagpasalamat talaga ako kay God sa blessing na ito pati din sa parents ko. I'm really happy that I made it!
INSIGHTS:
Marami ako natutunan during noong review ko, share ko na din para at least dun sa mga undergraduate pa lang ay magawa na nila...
During review ko, narealized ko yung halaga ng oras. Habang lumalapit na ang board exam noon mas lalong feeling ko ay kulang na kulang yung time ng review. Kasi kung tutuusin parang 4 months lang talaga yung review na yun eh... Kulang talaga na aralin ulit lahat ng subjects na pinag-aralan nung undergraduate.... Nahirapan siguro ako dahil noong undergraduate pa lang ay hindi ko iniintindi talaga yung mga concepts. Basta pumasa lang dati kasi eh okay na. Mali pala yun. Dapat nung undergraduate pa lang, nag-iinvest na tayo sa time na mag-review. Huwag natin hayaan na makalimutan kaagad ang concepts.
Napansin ko din na yung board exam ay may halong familiarity din sa mga questions eh...Kapag master na master mo na yung mga review books ng lahat ng local authors, isama mo na din yung Wiley na review book, for sure may makukuha ka sa Board Exam. Kaya tip ko, habang maaga pa lang, aralin na lahat ng review books. Pero hindi din maganda na memorize lang, dapat intindihin din talaga concepts behind para kahit ikot-ikutin questions or problems ay masasagot. V(^_^)
Mahalaga ang tulog! Kaya ugaliin na matulog ng tama pa din during review. Dapat ingatan natin yung katawan natin dahil walang silbi yang mga inaaral at nirereview natin kung sa board exam ay wala tayo sa ating best. Baka bumagsak lang dahil yun nga nagkasakit na sa pagpupuyat at kapapabaya sa sarili.
Yung mga binibigay na handouts sa review center, try niyo lang ulit-ulitin din iyon. Kasi ginawa talaga yan ng mga reviewers para yung mga concepts ay nandun na. Kaya kapag inulit ulit niyo lang sagutin mga yun, later on mamamster niyo mga concepts. Advisable din na kapag may advance na binigay na handouts, try mo muna sagutin. Then pag ibibigay na yung tamag sagot, icompare mo yung sagot mo sa sagot ng reviewer. Okay lang magkamali, kasi most of the time mas nareretained yung mga mali natin para wag na ulitin pa. Maganda ding gawin kapag theory yung questions ay ilagay yung key answer sa gilid ng number ng questions. Para kapag magreview na, pwedeng takpan yung sagot at try mo sagutin by yourself saka mo check if tama.
Try niyo ding ilagay sa index card yung mga formula or yung mga concepts na lagi niyo nakakalimutan. Tapos icompile niyo per subject. Then, gabi-gabi mo pasadahan yung mga yun, for sure maaalala mo na sila. :)
Lagi magdasal sa Diyos. I really believe na may malaking factor talaga ang ating faith kay God sa lahat ng gagawin natin sa ating buhay. :)