Wala lang. Bigla ko lang talaga naalala yung Funny Komiks.
Sikat na sikat kasi mga manga ngayon, tapos naisip ko, "Noon din naman may ganyan kami ah."
Noon nga lang.
Ngayon ewan ko kung meron pang nagbebenta ng Funny Komiks.
Every weekend noon, nag-aabang na kami ng bagong isyu.
Basta mamalengke si Mama, kailangan pagbalik niya may Funny Komiks.
Every week talaga mula Kindergarten hanggang naghighschool ako, may binibili kaming Funny Komiks noon, hindi pwedeng wala.
Kaso nga lang parang may time noon na bigla na lang nastop na yung production.
So, natigil na din pagbabasa namin.
Hindi ko makakalimutan ang Funny Komiks, kasi dun ako natutong magbasa.
Gustong-gusto ko noon yung "Pitit", "Eklok". "Mr. and Mrs.", "Tinay Pinay", "Tomas & Kulas".
Si Kuya ko ang pinakagusto eh yung "Combatron".
May isang kahon kaming Funny Komiks na nakatago lang dito sa bahay.
Dahil nga bigla kong ngang naalala, naisipan kong tignan at buklatin ulit ngayon.
Excited pa ako. Kasi after mga halos 8 years, ngayon ko lang ulit titignan yung mga yun.
Pero nagulat ako nung makita kong halos wala ng laman yung kahon.
Tinanong ko yung Lola ko.
Sabi niya pinanggatong na daw yung mga yun.
Kala daw kasi niya hindi na kailangan. Huhuhuhu....
Wala naman akong magawa kasi tapos na.
Dati punong-puno yung kahon na yon. Ngayon 32 pcs. na lang natira.
Hayyyyyyyyyy. Sayang naman.
Yung mga Komiks na natira