Sunday, 2024-December-22, 3:21 PM
Main | Registration | Login Welcome Guest | RSS
Site menu
Login form
Section categories
Anime [1]
Manga [3]
TV Drama [7]
Movies [6]
Videos [8]
Games [1]
Kokology [16]
Music [0]
Books [3]
Food [0]
Fan Fictions [6]
Sims 3 [8]
Others [5]
Search
Calendar
«  December 2011  »
SuMoTuWeThFrSa
    123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
Block title
Block content
Main » 2011 » December » 12 » Balikan Natin Ang Anime Noon! :)
6:18 PM
Balikan Natin Ang Anime Noon! :)
Hmmmm.... Nanonood ako ng anime na ang title eh Kemono no Souja Erin (Erin the Beastplayer) tapos sobrang nagandahan talaga ako sa story ng anime na ito. Yung drawing at story ay pambata talaga pero masasabi kong isa na ito sa favorite anime ko. Naalala ko tuloy yung mga animes nung bata pa ako, at masasabi kong parang mas maganda animes noon. Classics pa din the best! Hay, parang ang tanda ko na ah pero 21 pa lang ako. :)

Mga naalala kong napanood ko from elementary hanggang high school: (no particular order)

1. Sarah, Ang Munting Prinsesa - favorite ko ito noon talaga. Nakakainis si Miss Minchin ant Lavinia! Grrrrr.... May laro pa kami na base dito yung song na Sarah, Sarah, Prinsesa... blah blah... di ko na maalala lyrics... :(

2. Cinderella - yung palabas ito sa ABS dati na Cinderella. Every morning noon inaabangan namin ito ng kapatid ko. :)

3. Heidi - naalala ko eh panghapon ito. After school, bubuksan ko na yung tv tapos ito na.

4. Julio at Julia: Ang Kambal ng Tadhana - Ginagaya namin ng kapatid ko noon yung sasabihin nina Julio at Julia kapag maghahawak kamay sila. :P Ganda din story nito.

5. Blue Blink - Di ko makalimutan yung song naman dito! hehehe

6. Mga Munting Pangarap Ni Romeo - nice story. Sana marami pang anime na parang ganito.

7. Mary at ang Lihim na Hardin

8. Remi

9. Cedie ang Munting Prinsipe - parang boy version ng Sarah.

10. Sailor Moon - isa yata ito sa unang anime na napanood ko eh.

11. Dragonball - di ko lam kung sa RPN ba dati ito eh... basta english pa noon eh... hanggang dun sa GMA sinubaybayan ko. Kame Hame Waveeeeeeeee!

12. Magic Knight Ray Earth

13. Ghost Fighter - naalala ko tuloy sina Eugene, Dennis, Vincent, at Alfred

14. Fushigi Yuugi - Grade 4 ako yata nito noon or Grade 6 di ko sure. Basta naalala ko dati etong Fushigi Yuugi eh panggabi noon every friday sa GMA tapos nilipat ng hapon. Mga classmates ko noon bumibili pa posters. Miss ko ulit ito. May DVD ako nito kaya pinapanood ko pag namimiss ko.

15. Slum Dunk - Gori gori gori! Nakakatawa si Sakuragi. Tapos yung sinasabi ni Rukawa na Gunggong! LOL... sayang nga lang dahil bitin :(

16. Crayon Shin Chan - kabuwiset na bata ito! hehehe..pero masaya siya panoorin :P

17. Judie Abott (Daddy Long Legs) - grabeeeee... isa talaga ito sa tumatak na anime sa akin. ewan ko kung bakit? Fav ko si Judiet!

18. Snow White

19. Akazukin Chacha

20. Bubu Chacha - ito yung alagang aso na namatay tapos sumanib sa toy car nung baby. Very funny din ito.

21. Mojacko - moja moja moja! Isa ito sa wish ko eh ipalabas ulit

22. Lupin III

23. Wedding Peach

24. Saber Marionnette

24. Voltes Five

25. Georgie

26. Swiss Family Robinson

27. Cooking Masterboy - though mga highschool na ko nito eh

28. Zenki

28. Samurai X

29. Ranma 1/2

30. Sunny Pig??? - di ko matandaan title pero parang ganun yun. Yung pig na may power tapos sasayaw sayaw pa. hahahaha

31. Gundam Wing

32. Pokemon - addict kaming magkakapatid dito noon. Meron pa kaming cards, yung pokeball meron din kami noon. May posters pa kami. Cute kasi ni Pikachu. Pika pika!

33. Dog of Flanders - kaiyak (singhot!) :'(

34. Doraemon - hay, sana ako na lang ang may Doraemon at hindi si Nobita.

35. Flame of Recca

36. Hunter X Hunter - syempre ang di makakalimutang si Gon, Kurapika, Killua at Leorio... May remake ngayong 2011 nito pero mas gusto ko pa din yung dati.

37.Let's and Go - tandang tanda ko ito kasi binibilhan yung kuya ko noon nung laruang mga ganito tapos ginawan pa siya ng talagang parang pagraracean.

and many more....Kung may hindi man ako nabanggit siguro di ko lang naalala o di ko napanood...hehe...

Hayyyyyy. Ang sarap talaga balikan animes noon. Ang saya siguro panoorin lahat ng iyan ngayon.
Category: Anime | Views: 2398 | Added by: Wow | Tags: anime 90's, anime | Rating: 0.0/0
Related Posts:
Total comments: 0
Only registered users can add comments.
[ Registration | Login ]

Copyright Life Avenue © 2024
Make a free website with uCoz