Thursday, 2024-December-05, 9:12 AM
Main | Registration | Login Welcome Guest | RSS
Site menu
Login form
Section categories
Anime [1]
Manga [3]
TV Drama [7]
Movies [6]
Videos [8]
Games [1]
Kokology [16]
Music [0]
Books [3]
Food [0]
Fan Fictions [6]
Sims 3 [8]
Others [5]
Search
Calendar
«  November 2011  »
SuMoTuWeThFrSa
  12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
27282930
Block title
Block content
Main » 2011 » November » 8 » AQUINO COJUANGCO: FACTS THEY DONT WANT YOU TO KNOW
4:56 PM
AQUINO COJUANGCO: FACTS THEY DONT WANT YOU TO KNOW
May napanood akong video sa youtube about sa mga Aquino at Cojuangco. Actually, shinare lang ito sa facebook at nung napanood ko ito noong November 5 ay less than 3,000 views pa lang, ngunit makalipas lamang ang ilang araw naging 368,375 na as of 3:30pm ng November 8.

Nahati yung video sa 4 na parte:

Part 1: The Cojuangco Wealth
           - dito tinalakay kung saan nagmula ang yaman ng mga Cojuangco

Part 2: Hacienda Luisita

           - kung paano dumami ang lupain ng mga Cojuangco at ang pangako na pamamahagi ng lupa sa mga magsasaka

Part 3: Killing Spree

          - mga namatay at pinatay sa ilalim ng pamumuno ni Cory at sa Hacienda Luisita

Part 4: Aquino-Cojuangco Forever
           - ang kontribusyon ng media sa imahe ng mga Aquino-Cojuangco

Ang Aking Komento:


Hindi ko alam kung totoo nga yung sa pinatagong yaman ni Antonio Luna kay Ysidra Cojuangco, pero kung sakaling totoo nga, makukuha pa ba ng bansa yun? Parang malabo naman.

Nabanggit sa video ang Oligarchy kaya nagresearch ako konti about dito para malinawagan naman ako.
 
Quote (Wikipedia)
"Oligarchy is a form of power structure in which power effectively rests with an elite class distinguished by royalty, wealth, family ties, commercial, and/or military legitimacy."
Quote (wisegeek)
"An oligarchy is a form of government in which most of the political power effectively rests with a small segment of society, typically the people who have the most wealth, military strength, ruthlessness or political influence."
Kung ganyan nga ang kahulugan ng Oligarchy, masasabi kong may bahid nga katotohan na ang Pilipinas ay pinamumunuan sa ilalim ng Oligarchy. Ang mga nasa pwesto sa gobyerno ay yung mga magkakamag-anak din lang - Governor, Congressman, Mayor, Representatives, etc. Pawang mga mayayaman. Pawang galing sa mga may sinabing mga pamilya. Hindi lang mga Aquino-Cojuangco ang halimbawa nito, marami pang iba.

Doon naman sa issue ng Hacienda Luisita, bakit ba kasi hindi maibigay-bigay ng mga Aquino-Cojuangco ang mga lupang iyon kung ang totoong may-ari naman pala ay ang mga mag-sasakang hirap na hirap na nagtratrabaho sa Luisita. Dapat pala eh matagal ng napamahagi sa kanila ang lupa pero wala pa din. Nakakaawa naman yung mga magsasaka.

Sa mga namatay naman na mga magsasaka at mga pari na lumalaban para sa kanilang paniniwala at karapatan, very obvious naman kasi. Yung differences sa pagkamatay nila, makikita mong magkakalapit lang. At obvious na yung mga namatay ay mga aktibo sa kanilang Unyon o di kaya ay mga tagasuporta sa Unyon.

About naman sa media, ano pa nga ba? Most of the time may pagkabiase nga. Pinipili lang ang mga naibabalita. Minsan di nga naibabalita ang mga dapat naman talagang ibalita eh. Sa media, ang isang mabait pwedeng gawing masama, ang isang ubod ng sama ay pwedeng gawing isang anghel sa mga tao. Kaya mahirap sigurong kalaban ang media ano?

Sinasabi ng marami, past is past. Pero hindi ako sangayon. Ang nakalipas ay laging may koneksyon sa kasalukuyan. Paano tayo makakausad at uunlad kung hindi naman natin alam ang katotohan? Lalong-lalo na kung hindi pa naman naitatama yung mga maling nagawa sa nakalipas.

Panoorin niyo yung video at ano ang inyong masasabi?


 
Category: Videos | Views: 3554 | Added by: Wow | Tags: YouTube | Rating: 0.0/0
Related Posts:
Total comments: 1
1 mary joy villarama  
0
bad ghurl
[size=6][color=blue]

Only registered users can add comments.
[ Registration | Login ]

Copyright Life Avenue © 2024
Make a free website with uCoz