Malaki na talaga ang pinagbago ng henerasyon ngayon. Bihira ka nang makakita ng mga batang naglalaro sa kalye. Nakakalungkot mang isipin na tila unti-unti nang binabaon sa limot ang mga tradisyunal na larong pamana pa sa atin ng ating mga ninuno.
NOON
Gusto kong balikan ang mga panahong ako’y naglalaro sa lansangan at nakikipaghabulan sa aking mga kaibigan. Yung tipong uuwi ka lang ng bahay para kumain at kapag maghahating-gabi na, naku! Pawisan at ang dungis-dungis mo na. (hahah!) Ganun ang buhay-bata NOON. Pero ngayon? Hay ewan… WALA ng ganyan.
Ang mga sumusunod ay mga Larong Pinoy na aking kinalakihan NOON at sana’y maibahagi pa natin sa mga kabataan NGAYON.
1. SIPA
2. PATINTERO
3. TUMBANG PRESO
4. TAGUAN
[
5. AGAWAN BASE (GAME BASE)
6. SYATONG
7. HOLEN
8. SUNKA (SUNGKA)
9. TRUMPO
10. JAK ‘N POY
11. LUKSONG BAKA
12. PIKO
Naalala ko pa, mahilig din kaming maglaro ng TEKS noon na ang mga nakalagay ay larawan nina san gouku, eugene, vincent.. in short mga cartoon at anime characters. (hahah) Paramihan pa nga kami ng makokolekta. Mahilig din kaming maglaro ng Chinese garter, jack stone, at langit-lupa. ^__^
Hindi ko maalala yung isa eh… basta kinakanta namin yung “isasara ang bulaklak……… dadaan ang reyna, bakembot-kembot pa….” ayun, hindi ko talaga alam tawag sa larong iyon basta nilalaro namin noon. (heheh)
ITO ANG WEBSITE KUNG SAAN MAARI NIYONG MALAMAN ANG PANUTO SA PAGLALARO NG ILANG MGA LARONG PINOY: (Here’s the link where you can see how to play some of the Filipino games)Palarong Pinoy
NGAYON
Kung NOON larong pisikal ang kinagigiliwan ng mga kabataan, NGAYON, halos hindi na nga sila makaalis sa harap ng kompyuter kakalaro ng DOTA, Counterstrike, at kung anu-ano pa. Swak din daw sa kanilang panlasa ang facebook, twitter, youtube at ang paggawa ng mga blogs. Andiyan din ang PSP, cellphones, i-pod at marami pang iba.
Iba na talaga ang hilig nila ngayon. Ika nga “NEW GENERATION”. Hindi ka “IN” na maituturing kung hindi mo alam magkompyuter, gumamit ng cellphone at iba pa. Tama nga naman na kailangan din nating makisabay sa pag-unlad ng teknolohiya ngunit huwag naman sana nating kalimutan ang ating mga tradisyon. Ang ating kultura at tradisyon ang siyang patunay sa husay at galing ng mga PINOY! Ito ang siyang simbolo ng ating pagka-PILIPINO.