PILA - 7 May 2011 - Blog - Life Avenue
Wednesday, 2016-December-07, 4:44 AM
Main | Registration | Login Welcome Guest | RSS
Site menu
Login form
Section categories
Anime [1]
Manga [3]
TV Drama [7]
Movies [6]
Videos [8]
Games [1]
Kokology [16]
Music [0]
Books [3]
Food [0]
Fan Fictions [6]
Sims 3 [8]
Others [5]
Search
Calendar
«  May 2011  »
SuMoTuWeThFrSa
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
293031
Block title
Block content
Main » 2011 » May » 7 » PILA
2:45 PM
PILA
Okay! Gusto ko lang ishare yung nangyari kanina. LOL! Nakakbadtrip kasi! irritated

Pagkatapos magpagupit sa bayan,dumaan kami sa grocery store kanina dahil sinabi ni Kuya ko na bili daw kami ng tatlong 1.5 na softdrinks.

So, pumunta naman kami. Ang hindi namin inaasahan, SOBRANG dami ng tao sa grocery store. Ang HABA-HABA din ng pila sa mga counters. Tapos, pagtingin ko ng cart ng mga nakapila eh halos gabundok pa ang mga laman nila what

Sabi ko sa sarili ko, "Bibili pa ba ako?" hmp

Pero pag di naman kami bumili baka ganito maging reaksyon ni Kuya ---> you

Hehehe, kaya para wala siyang masabi pagdating namin ng bahay, bumili na lang kami.

Then, may napansin akong isang pila. Yung mga nakapila walang mga cart, baskets ang dala nila at yung iba naman hawak hawak din nila mga bibilhin nila gaya namin.

Tinignan ko yung nasa taas ng counter. Sabi EXPRESS COUNTER - 10 pcs. and below. dazzle YES!

Kaya, doon kami pumila.

Uhmm, mahaba din yung pila sa counter na yun, pero compare mo naman yung mga pinamili namin at nung mga nasa ibang counters, di hamak na mas mabilis sa counter na yun dahil nga for 10 pcs. and below lang dun. Mas mabilis yung flow!

Pila pa din. Pila lang ng pila. Nakakapagod. Masakit sa paa. Nakakagutom.

Hanggang sa kami na yung susunod na magbabayad!

Sa isip isip ko eh "YES! matatapos na din sa wakas!" :D

Nagbabayad na yung nauna sa akin nung biglang nagsalita yung cashier sa counter na yun. Sabi niya "Michael, Michael, pakibaligtad nga ito."

Ako naman eh, tinignan yung tinuro niya. Pagkakita ko parang ganito reaksyon ko ---> shock2

Yung binaligtad ay karton na may nakasulat na OPEN at CLOSE. Ang nakaharap kanina OPEN. Tapos ginawa ba namang CLOSE nung kami na susunod! down2

Tapos sinabi ba namang pila na lang daw kami sa ibang counters! WHATTTTT????? angry

Grrrrrrrrrrrr! Badtrip talaga! Parang gusto kong magwala! tuntrum

Syempre, hindi pumayag yung mga nasa pila namin. Ang tagal-tagal kaya naming pumila no!

Lunch time daw kasi niya. Ok, naiintindihan ko naman kailangan niyang maglunch.

Kaya lang, sana kinontrol man lang sana nila yung bilang nung mga pumila sa counter na yun. Na may nagsabing hanggang kay ganito na lang dahil kailangan ng maglunch.

Pero wala eh. Hinayaan kaming pumila dun.

Tapos, sasabihang pumila na lang daw kami sa ibang counters?!? Sinong hindi iinit ang ulo sa ganun? Pumila na nga kami, papipilahin pa ulit. Sana sinabi na nung una pa lang.

Dahil sa nangayari, hindi na ako bibili ulit dun... LOL

Category: Others | Views: 816 | Added by: Chel | Tags: pila | Rating: 0.0/0
Related Posts:
Total comments: 0
Only registered users can add comments.
[ Registration | Login ]

Copyright Life Avenue © 2016
Make a free website with uCoz